Connect with us

Pilipinas, muling naghain ng dalawang bagong protesta laban sa China ngayong araw

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi kikilalanin ng mga bansa sa rehiyon ang plano ng China na isailalim sa kanilang Air Defense Identification Zone (ADIZ) ang West Philippine Sea (WPS).

National News

Pilipinas, muling naghain ng dalawang bagong protesta laban sa China ngayong araw

Muling naghain ng dalawang protesta laban sa China ang Department of Foreign Affairs (DFA).

 

Ito ay dahil sa ‘shadowing, blocking, dangerous maneuver, at radio challenges‘ ng mga Chinese Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng lehitimong pagpapatrolya at maritime exercises sa bisinidad ng bajo de masinloc noong ika-24 at 25 ng Abril 2021.

 

Kasama na rin dito ang protesta ng bansa sa patuloy na presensya ng mga chinese vessels at militia sa karagatang sakop ng pilipinas.

 

Matatandaan na ipinanawagan ng China na ihinto na ng Pilipinas ng maritime exercises sa pinag-aagawang teritoryo sa west philippine sea.

 

Una na ring nanindigan ang Department of National Defense na magpapatuloy ang maritime patrol at exercises ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa karagatang sakop ng bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top