Connect with us

Pilipinas, makatatanggap ng bakunang Astrazeneca mula Japan

Pilipinas, makatatanggap ng bakunang astrazeneca mula japan

National News

Pilipinas, makatatanggap ng bakunang Astrazeneca mula Japan

Magkakaloob ang pamahalaang Japan ng donasyong bakunang Astrazeneca sa Pilipinas

ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, tiniyak nitong maide-deliver ang vaccine doses sa lalong madaling panahon.

Batid ng pamahalaang Japan ang kahalagahan na dapat walang sinumang maiiwan pagdating sa paglaban kontra COVID-19 pandemic.

Kinumpirma na rin ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na isa ang Pilipinas sa mga bansang makatatanggap ng donasyong Astrazeneca vaccines mula Japan.

Gayunman, ani Dominguez hindi pa tiyak kung ilang doses ang idodonate ng Japan sa bansa.

Inihayag din ng finance chief na maraming mayayamang bansa ang pumayag sa kasunduan na mag-donate ng 1B doses ng COVID-19 vaccine sa World Health Organization-led COVAX Facility.

Una rito, Iniulat naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. Na nakatanggap na ang bansa ng kabuuang mahigit 8 million (8,329,050) doses ng bakuna mula noong Pebrero hanggang Mayo.

Target naman ng gobyerno ang higit 10M dosis na delivery ng COVID-19 vaccines nitong Hunyo.

Ngayong buwan, nakatanggap na ang Pilipinas ng lagpas 4M doses (4,376,820) at makakatanggap pa ng dagdag 6.4M.

Sa buwan naman ng Hulyo, tinatayang 11.670M COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top