National News
Pilipinas, makakakuha ng mas maraming share sa COVID-19 vaccine donation ng US
Kabilang ang Pilipinas sa priority recipient ng Amerika para sa pamamahagi ng donasyon ng 55 milyong doses ng COVID-19 vaccines.
Sa pahayag ng U.S Embassy in the Philippines, kasama ang Pilipinas sa makakatanggap sa 16 milyong doses na ipadadala sa Asia sa pamamagitan ng COVAX facility.
Isa rin ang Pilipinas sa recipients ng 14 milyong doses na direktang ipapamahagi sa mga kaibigan at kaalyado bansa at iba pang recepients.
Bukod sa Pilipinas, makakukuha rin ng bakuna ang Colombia, Argentina, Haiti, Dominican Republic, Costa Rica, Panama, Afghanistan, Bangladesh, Pakistan, Vietnam, Indonesia, South Africa, Nigeria, Kenya, Ghana, Cabo Verde, Egypt, Jordan, Iraq, Yemen, Tunisia, Oman, West Bank and Gaza, Ukraine, Kosovo, Georgia, Moldova, at Bosnia.
Ang ipamamahaging doses ay bahagi ng sobrang 80 milyong COVID-19 vaccines na ipinangako ni US President Joe Biden na idodonate ngayong katapusan ng Hunyo.