Connect with us

Pilipinas, kailangan mag-angkat ng mas maraming bigas sa 2021

Inaasahan ang pag-angkat ng Pilipinas ng maraming bigas sa 2021.

National News

Pilipinas, kailangan mag-angkat ng mas maraming bigas sa 2021

Inaasahan ang pag-angkat ng Pilipinas ng maraming bigas sa 2021.

Ito ay matapos mawala ang nasa 8 araw na halaga ng supply ng bigas kasunod ng pananalasa ng magkakasunod na bagyo sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, orihinal na target ng da ang 93% rice suffiency sa susunod na taon pero dahil sa mga bagyo ay maari itong bumaba sa 89 hanggang 90 %.

Dahil dito, kinakailangan aniya ng Pilipinas na iangkat ang natitirang 10 hanggang 11 percent.

Sinabi ni Dar na given na ang pag-angkat ng bigas sa ibang bansa kung hindi kayang iproduce ang 100 %.

Hanggang kahapon ng umaga, umabot na sa ₱12.3 bilyong ang kabuuang agriculture damages matapos ang pananalasa ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.

Samantala, patuloy ang pagtugon ng Department of Agriculture para matulungan ang agriculture sector na makaahon sa epekto ng magkakasunod na bagyo na tumama sa bansa.

Ayon kay Dar, nasa ₱8 bilyon halaga ng agriculture inputs gaya ng mga binhi, fertilizers, hayop at fingerlings ang ibibigay sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Makatatangap din aniya ang mga ito ng ₱10,000 hanggang ₱15,000 insurance indemnification hangga’t nakalista sila sa registry system for basic sectors in agriculture (RSBA).

Sinabi ni DAR na maaring simulan ang pagtatanim sa ikalawang linggo ng Disyembre kapag humupa na ang mga baha at wala ng mga bagyo ang inaasahang papasok sa bansa.

Para naman mapanatili ang rice production sa long term, ipinanukala ng da sec. ang pagpapatayo ng irrigation systems sa 1.2 million hectares na mga hindi pa develop na mga rice field sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top