Connect with us

Pilipinas, gagawa ng sariling Ivermectin Capsule – DOST

Lilikha o gagawa ang Pilipinas ng sariling anti-parasitic drug na ivermectin.

National News

Pilipinas, gagawa ng sariling Ivermectin Capsule – DOST

Lilikha o gagawa ang Pilipinas ng sariling anti-parasitic drug na ivermectin.

Ito ang sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina Guevarra.

Ani Guevarra, ang gagawa ng proyektong ito ay ang Up Manila College of Pharmacy.

Dahil aniya dito, hindi na kailangan ng bansa na bibili ng regular na formula ng naturang gamot.

Ipinaliwanag din ni Guevarra na natagalan ang pagsisimula ng clinical trials sa bansa para mabigyan ng clearance ang ivermectin na gamitin sa mga asymptomatic at mild na kaso ng COVID-19 patients sa mga isolation facility dahil aniya sa mga pagbabago ng protocols.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga pagbabago sa protocol ay kailangan pang aprubahan ng Food And Drug Administration (FDA).

Ang project team naman ng Pilipinas ay bahagi ng International Clinical Trial sa ivermectin consortia na pinangunahan ng University of Liverpool England sa pamumuno ni Dr. Andrew Hill ng Deparment of Pharmacology and Therapeutics ng naturang unibersidad sa United Kingdom.

Target naman ng clinical trials ng ivermectin ang nasa 1,464 na kalahok mula sa mga quarantine faciliy ng Metro Manila partikular na sa Ateneo Quarantine Facility, La Salle Quarantine Facility, University Of The Philippines Diliman At Makati Science High School Quarantine Facility.

More in National News

Latest News

To Top