Connect with us

Pilipinas, bibili ng 3M doses ng sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia

Bibili ang Pilipinas ng 3 milyong doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia.

National News

Pilipinas, bibili ng 3M doses ng sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia

Bibili ang Pilipinas ng 3 milyong doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia.

Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. matapos makakuha ng Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang Sputnik V vaccine.

Sa palace news conference, sinabi Galvez na gagawin ang procurement sa Abril.

Ang Sputnik V ay isang two-dose vaccine, ibig sabihin ang initial order ay magiging sapat para masakop ang 1.5 milyong indibidwal.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ang bakuna ay nagpakita ng 93.6 % efficacy sa late stage trial at maari lamang gamitin sa mga may edad 18-anyos pataas.

Nilinaw naman ni Domingo na kailangan pa ring magkaroon ng kumpletong physical examination at aalamin ang medical history ng babakunahan, pero ito anya ay uubra maging sa mga taong may sakit tulad ng diabetes, hypertension at iba pa.

Si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na ang bahala o magdedesisyon kung ilang bakuna ang kukuhanin ng Pilipinas dahil ang FDA anya ay nag-iisyu lang ng EUA at hindi ito kasali sa negosasyon.

Gayunman ay magugunitang nauna nang sinabi ni Galvez dati na aabot sa dalawang milyong doses ng Sputnik V ang inaasahang makukuha ng Pilipinas sa susunod na buwan.

Ang Sputnik V ang ika-apat na COVID-19 vaccine na nabigyan ng EUA ng FDA, kasama na ang Pfizer, AstraZeneca at Sinovac.

More in National News

Latest News

To Top