Connect with us

Phreatic eruption sa Taal Volcano, posibleng mangyari ulit – PHIVOLCS 

Mula sa alert level 1 (low level of unrest), itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 2 o increasing unrest ang alert status sa bulkang Taal ngayong Martes, Marso 9.

National News

Phreatic eruption sa Taal Volcano, posibleng mangyari ulit – PHIVOLCS 

Aabot sa 69 na tremor o mahahabang pagyanig sa Taal Volcano sa makalipas na magdamag ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum Jr.

Ayon pa kay solidum, ito ay dahil sa hydrothermal activity.

“Umaakyat po ‘yong gas mula sa magma sa ilalim at ito ‘yung nagpapainit sa tubig sa ilalim ng Taal Volcano Island. At, ‘yung tubig o steam o gas na yan ay kumikilos kaya maraming paglindol.  Ito rin po ang nagdudulot ng pagpapa-iinit sa taal main crater lake at pagiging mas acidic nito.”

Ani Solidum, ito ang dahilan kung bakit malaki posibilidad na magkaroon muli ng phreatic eruption o explosion sa Taal Volcano katulad noong January 12, 2020.

Dagdag pa nito, hindi muna papayagan ang paglapit ng mga tao sa permanent danger zone ng Taal Volcano Island.

Nilinaw ni Solidum, may kaugnayan ito sa nangyaring pagyanig noong nakaraang taon sa Taal dahil pagkatapos nang nasabing pagsabog, nangyari ang pag-akyat ng magma na nagre-supply sa Taal Volcano.

Ito rin ang dahilan ng pag-release ng gas kung bakit mainit ang tubig sa ilalim ng bulkan.

“Kaya tayo maraming paglindol na nasusukat, pag-acidic at pag-init ng main crater.”

More in National News

Latest News

To Top