Connect with us

Philhealth task force, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon – DOJ

Isinumite na ng DOJ kay Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng Philhealth Task Force hinggil sa anomalyang kinasasangkutan ng (Philhealth).

National News

Philhealth task force, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon – DOJ

Hindi pa tapos ang imbestigasyon ng PhilHealth task force sa lahat ng katiwalian sa PhilHealth kung kaya’t hindi pa naisali ang kaso ng legal sector.

Ito ang inihayag ni Deparment of Justice Sec. Mark Perete sa panayam ng Sonshine radio.

Aniya, “Yan po ‘yong sa legal sector, hindi po talaga natapos ‘yong investigation diyan.”

“In fact, ang natapos lamang po natin doon sa ating report na isinubmit sa pangulo ay patungkol doon sa procurement ng IT equipment, as well as ‘yong sa revenues ng IRM.”

Dahil dito, hindi pa malaman ng DOJ kung ano ang kaukulang kaso ang ipapataw sa legal sector ng PhilHealth kaya hindi pa nasama sa inirekomendang kakasuhan.

Nilinaw din ni Perete na hindi pa sapat ang ebidensya laban kay Department of Health Sec. Franciso Duque III patungkol sa negligence of duty kung kaya’t hindi rin ito nasama ng task force sa listahan ng mga kakasuhan.

Sa kabila nito, naghahanap pa ng karagdagang ebidensya ang task force tungkol sa isyu.

Inihahanda narin aniya ng Department of Justice ang mga kaso at supporting documents na ihahabla laban kay dating PhilHealth Chief Executive Officer Ricardo Morales at sa iba pang mga opisyal nito.

“Ngayon naman po ang DOJ ay nagpi-prepare na para sa filing. So, ‘yong complaint pina-finalize na natin at ‘yong mga supporting document and evidence, gayundin pini-prepare na ng departamento.”

Samantala, ayon kay Usec. Perete, ihahabla ang kaso sa iba-ibang korte depende sa klase ng reklamo at sa respondent.

Ngunit, karamihan sa mga kaso ay ihahabla sa office of the ombudsman.

Kabilang sa mga ihahabla na kaso ay ang paglabag sa graft and corrupt practices act, paglabag sa revised penal code on malversation and illegal use of public funds, at frauds.

More in National News

To Top