Connect with us

Philhealth task force, hindi muna isapubliko ang initial report sa kanilang imbestigasyon

Hindi muna ilalabas ng PhilHealth Task Force sa pangunguna ng Department of Justice ang full report kaugnay sa kanilang imbestigasyon sa sinasabing korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

National News

Sinabi ni Justice Undersecretary at spokesman Markk Perete na ito ay dahil naglalaman ang report ng mga maseselan at mahahalagang impormasyon tungkol sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Ipinaliwanag ni Perete na kung isasapubliko agad ang mga laman ng report ay posibleng masakripisyo ang kalidad at integridad ng kanilang imbestigasyon.

Gayunman ay tiniyak naman ni Perete na kapag pinal nang natapos ang imbestigasyon ay maglalabas naman sila ng pormal na pahayag, partikular na anya sa mahahalaga at malalaking bahagi ng naturang report.

Samantala sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kapag naisapinal na ang inihahandang mga reklamo at makumpleto na ang mga supporting documents ay agad nilang isasampa sa korte ang mga kaso laban sa ilang matataas na mga opisyal ng Philhealth.

More in National News

To Top