Connect with us

PhilHealth, nakabayad na ng ₱800 milyon sa kanilang utang sa Red Cross

Nakapagbayad na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng ₱800 milyon mula sa kanilang ₱1.1 bilyong utang sa Philippine Red Cross (PRC).

National News

Sa kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ni PRC chairman at Senador Richard Gordon na nagbigay ng karagdagang ₱100 milyon ang PhilHealth sa PRC para bayaran ang utang nito para sa COVID-19 tests.

Gayunman, sinabi ng senador na patuloy na nadadagdagan ang utang ng state insurer matapos ibalik ng PRC ang coronavirus tests.

Inisyal na nagbayad ang PhilHealth ng ₱500 milyon sa Red Cross habang ang ₱300 milyon ay binayaran ng tatlong installments.

Matatandaang Oktubre 14 nang pansamantalang itinigil ng PRC ang pagsasagawa ng COVID-19 tests na sagot ng PhilHealth dahil sa utang ng state insurer sa kanila.

More in National News

Latest News

To Top