Phase-out ng mga lumang jeep, tuloy sa Hunyo 30

National News

Tuloy pa rin ang phase-out ng mga lumang jeepneys sa Hunyo a-30 sa kabila ng kinahaharap na krisis.

Ito ang kinumpirma ni Engineer Bert Suansing, consultant ng Department Of Transportation (DOT).

Itinanggi naman nito na sinasamantala nila ang COVID-19 pandemic upang hindi na mapabalik sa kalsada ang mga lumang jeepneys.

Paliwag ni Suansing, bago pa man ang pandemya ay inanunsyo na na mayroon na lamang hanggang katapusan ng Hunyo ang mga traditional jeepney operators upang palitan ito ng mga modern jeepney.

Samantala, papayagan namang pumasado ang ilang traditional jeepneys na pumasa ng Land Transportation Office (LTO) simula sa susunod na Lunes, Hunyo a-21.