Connect with us

Pharmally official, pinipilit umano ni Sen. Lacson na idawit si Pang. Duterte sa anomalya

Ibinunyag ni Atty. Ferdinand Topacio na pinipilit ni Senator Ping Lacson si Lincoln Ong, ang direktor ng Pharmally

National News

Pharmally official, pinipilit umano ni Sen. Lacson na idawit si Pang. Duterte sa anomalya

Ibinunyag ni Atty. Ferdinand Topacio na pinipilit ni Senator Ping Lacson si Lincoln Ong, ang direktor ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, na idawit si Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher ‘Bong’ Go sa umano’y anomalya sa pagbili ng medical supplies ng Department of Health (DOH).

May be an image of 1 person

Sa ekslusibong panayam ng Sonshine Radio kay Topacio, sinabi nito na nais umanong palabasin ng mga humihimok kay Ong na ihayag na magkakakuntsaba sina Pang.Duterte, Bong Go, DOH at Pharmally para makakuha ng kontrata sa gobyerno.

Ani Topacio, ikinalulungkot niya ang mga senador na sa halip na manindigan sa pagsunod sa batas ay sila pa ang lumalabag.

Sinabi pa nito na niyuyurakan ng ilang senador ang karapatan ng resource person sa ruling na ipinatutupad ng Senate Blue Ribbon Committee at ginagamitan pa aniya nila ng contempt powers para mahawakan ang kanyang kliyente.

Labag din aniya sa batas ang ginawa kay Lincon Ong dahil walang due process na ginawa bago siya ikulong.

Dahil dito, sinabi ni Topacio na kalabisan na ang ginagawa ng Blue Ribbon Committee dahil binubully nila ang mga resource person lalo na kung hindi sang-ayon ang sagot nito sa nais nilang palabasin.

Samantala, una nang inihayag ni Sen. Ping Lacson na wala silang hawak na ebidensya para sabihing may kinalaman si Pang. Rodrigo Duterte maging si Sen. Christopher Bong Go sa mga anomalya sa loob ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

More in National News

Latest News

To Top