Posibleng kasuhan ng Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) ng obstruction of justice ang mga sundalong rumisponde sa shooting incident sa Jolo, Sulu.

PH army chief, tiwalang mahahatulan ang mga pulis na sangkot sa Jolo, Sulu shooting incident

National News

Tiwala si Philippine Army Chief Lieutenant General Gilbert Gapay na mahahatulan ang mga pulis na sangkot sa pagkakapatay sa 4 na sundalo sa Jolo, Sulu shooting incident noong nakaraang buwan.

Sa isang pahayag, pinuri ni Gapay ang mabilis na aksyon ng National Bureau of Investigation sa paghahain ng kasong murder at planting of evidence laban sa mga pulis.

Ayon kay Gapay, welcome development ito hindi lang sa Philippine Army kundi para rin sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi sa insidente.

Patunay rin aniya ito na naririnig ang sigaw na hustisya ng bawat pamilya ng mga biktima.

Kahapon nang sampahan ng NBI ng 4 na bilang ng kasong murder at planting of evidence ang siyam na pulis.

Kinilala naman ang mga sinampahan ng kaso na sina PSMS Abdelzhimar H. Padjiri, Police Master Sergeant Hanie U. Baddiri, P/staff Sergeant Iskandar I. Susulan, PSSG Ernisar P. Sappal, P/Corporal Sulki M. Andaki, Patrolman Mohammad Nur E. Pasani, PSSG Almudzrin M. Hadjaruddin, Patrolman Alkajal J. Mandangan, at Patrolman Rajiv G. Putalan.

Bukod sa kanila, inirekomenda rin ng NBI ang pagsasampa ng kasong ‘neglect of duty’ laban kina Sulu Provincial Police Chief P/Colonel Michael Bawayan; Jolo Police Chief P/Major Walter Annayo; at Sulu Provincial Drugs Enforcement Unit Chief P/Captain Ariel Corcino.