Connect with us

Petisyon vs Kabataan Partylist para hindi makasali sa 2022 eleksyon, inihain

Petisyon vs Kabataan Partylist para hindi makasali sa 2022 eleksyon, inihain

National News

Petisyon vs Kabataan Partylist para hindi makasali sa 2022 eleksyon, inihain

Naghain ng petisyon sa Commission on Elections (COMELEC) ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban sa Kabataan Partylist upang matanggal ang mga ito sa party-list system ng bansa.

Open Photo

Layunin rin ng pamahalaan na madiskwalipika ang grupo para sumali sa 2022 national elections.

Ayon sa pamahalaan, sapat ang kanilang mga ebidensya na magpapatunay na ang Kabataan Party-list ay legal front ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay Atty. Marlon Bosantog, Spokesperson for Legal Affairs and Indigenous Peoples Concerns, NTF-ELCAC, ang Gabriela Partylist ang una nilang sinampahan ng petisyon sa COMELEC.

At pareho aniya nilang nasilip ang tunay na layunin ng dalawang partylist laban sa pamahalaan.

Sinabi rin ng tagapagsalita ng NTF-ELCAC na matibay ang ebidensya ng gobyerno laban sa mga grupong ito.

Pero ayon kay Congresswoman Sarah Elago ng Kabataan Party-list, “unbothered” sila sa petisyon ng NTF-ELCAC.

Hindi rin aniya totoo at walang bago sa mga akusasyon ng gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top