Connect with us

Petisyon ng PDP-Laban Cusi wing sa COMELEC, ibinasura

Petisyon ng PDP-Laban Cusi wing sa COMELEC, ibinasura

National News

Petisyon ng PDP-Laban Cusi wing sa COMELEC, ibinasura

Ibinasura ng Commission on Election (COMELEC) ang petisyon na muling buksan ang filing of certificates of candidacy para sa susunod na eleksyon.

Sinabi ni Jimenez na ang mga batayan na binanggit sa petisyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi na muling buksan ang COC filing ay hindi meritorious.

Ibinasura din ng komisyon ang petisyon na nais ipagpaliban sa 2025 ang susunod na eleksyon.

Itinanggi din ni Jimenez na magiging rason ang naka-pending na disqualification cases sa COMELEC sa posibleng suspensiyon ng pag-imprenta ng balota.

Ayon kay Jimenez, hindi bago sa COMELEC na humarap sa disqualification case sa panahon ng eleksyon.

Katunayan ay sisimulan na ng poll body ang pag-iimprenta ng mga balota sa Enero 17.

Samantala, ilalabas na sa Enero 15, 2022 ang pinal na listahan ng mga opisyal na kandidato para sa 2022 national and local elections.

More in National News

Latest News

To Top