Connect with us

Peter Joemel “Bikoy” Advincula, ipinaaresto ng Manila court

Ipinaaresto na ng Manila Metropolitan trial court branch 17 si Peter Joemel “Bikoy” Advincula.

Uncategorized

Peter Joemel “Bikoy” Advincula, ipinaaresto ng Manila court

Ipinaaresto na ng Manila Metropolitan trial court branch 17 si Peter Joemel “Bikoy” Advincula.

Ito ay matapos mabigo ang akusado na dumalo sa arraignment at preliminary conference ngayong araw, ika-21 ng Hulyo sa kanyang kasong perjury na inihain nina flag lawyers Chel Diokno, Ted Te at Erin Tañada.

Itinakda naman ang piyansa ni Advincula, doble sa halaga ng dating piyansa na kanyang inilagak.

Sa ngayon, itinakda ang arraignment at preliminary conference ng kaso sa Agosto 26,2021, alas 8 ng umaga.

Matatandaang isinampa nina Diokno, Te at Tañada ang kasong perjury laban kay Bikoy dahil sa alegasyon nito na nagsasangkot sa kanila sa “Project Sodoma”, ang umano’y plot na patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng ilang serye ng online videos na tinawag na “Ang Totoong Narco-List.

Continue Reading
You may also like...

More in Uncategorized

Latest News

To Top