Connect with us

Period of interpellation kaugnay sa 2022 proposed national budget, isinara na ng Senado

Period of interpellation kaugnay sa 2022 proposed national budget, isinara na ng Senado

National News

Period of interpellation kaugnay sa 2022 proposed national budget, isinara na ng Senado

Huling isinalang sa budget deliberations kagabi sa Senado ang Dept. of Public Works and Highways (DPWH), Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), Dept. of Trade and Industry (DTI) at ang Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ang PCOO sa pamamagitan ng isang sulat mula kay Sec. Martin Andanar ay humingi ng apology matapos ang naging insidente sa unang araw ng budget interpellation para sa panukalang pondo ng ahensya noong Nov. 23.

Matatandaan na ayon sa Office of the Sgt. at Arms ay nakita nito ang sales and marketing manager ng Apo Production Unit na si Dominic Tajon na umiinom ng alak habang uma-attend ng deliberations virtually.

Ang Apo Production Unit ay nasa ilalim ng PCOO.

Sa liham ni Andanar na binasa ni Sen. Richard Gordon ang i-sponsor ng budget ng PCOO na iimbestigahan nila ang naturang insidente at handa silang parusahan si Tojan kung mapapatunayang guilty ito ng misconduct.

Sa pamamagitan din ng isang sulat na binasa ni Gordon ay humingi din ng tawad si Tojan pero nilinaw na hindi alak ang iniinom nito kundi cola.

Tinanggap naman ng mga senador ang apology ni Andanar at Tojan pero anila hindi ito dapat maulit sa senado

Tuluyan namang ipinasa ng mga senador ang panukalang pondo ng PCOO sa plenaryo matapos tiyakin ng PCOO na walang mga trolls sa loob ng ahensya.

Nov. 23 nang tuluyang isinara ng Senado ang period of interpellations para sa panukalang pondo sa 2022 na nagkakahalaga ng P5.024 trillion.

Samantala, sinabi naman ni Senator Migz Zubiri na maaaring sa susunod na linggo, araw ng Miyerkules ay maipapasa na ang budget sa Senado.

Ito ang pahabol na announcement ng majority leader bago magtapos ang period of interpellations.

More in National News

Latest News

To Top