Connect with us

Pekeng balita ng Makabayan Bloc, binatikos ng DILG

Mariing kinondena ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pinapakalat na maling balita ng Makabayan Bloc patungkol sa pondo BDP

National News

Pekeng balita ng Makabayan Bloc, binatikos ng DILG

Mariing kinondena ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pinapakalat na maling balita ng Makabayan Bloc patungkol sa pondo na inilalaan sa Barangay Development Program (BDP) ng pamahalaan.

Ito ay matapos binatikusin ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat si DILG Secretary Eduardo Año hinggil sa proposal nitong dagdag na ₱40 billion sa 2022 national budget.

Kaya naman sinabi ni Malaya na “shameless” at “thick-skinned” ang Makabayan Bloc para ipagkait ang proyekto ng gobyerno na matagal nang hinihintay ng mga komunidad na dating kuta ng NPA.

Nilinaw ng DILG  na ang dagdag na pondo ng BDP ay ilalaan para linisin ang mga barangay mula sa makakaliwang grupo, development projects gaya ng kalsada mula sakahan papuntang merkado, paaralan, bahay, health centers, kuryente, tubig at livelihood project.

Hinahamon naman ni Malaya si Cullamat na ipakita ang katibayan na magpapatunay na ang kanilang natatanggap na pondo sa ilalim ng BDP ay sinayang at nilustay lamang.

Diin pa ni Malaya, ang pondo sa BDP ng NTF-ELCAC na para sa mga benepisyaryo ng LGU sa ilalim ng naturang proyekto ay naka-direkta sa Department of Budget and Management (DBM).

Ang BDP ay naglalayong i-develope ang nasa 822 na mga barangay sa liblib na lugar at linisin mula sa impluwensiya ng makakaliwang grupo.

Tanong pa  ni Malaya, bakit tinututulan ng Makabayan Bloc ang development sa mga liblib na mga barangay na mahirap, undevelope, at malayo sa kabihasnan? dahil ba gusto niyong muling gawing kuta ng mga NPA ang lugar?

 

More in National News

Latest News

To Top