Connect with us

Pekeng bakuna kontra COVID-19, titiyakin na hindi makakapasok sa bansa

Pinakikilos ng pamunuan ng Philippine National Police ang mga tauhan nito sa posibleng pagpasok ng mga pekeng COVID-19 vaccines sa bansa.

National News

Pekeng bakuna kontra COVID-19, titiyakin na hindi makakapasok sa bansa

Pinakikilos ng pamunuan ng Philippine National Police ang mga tauhan nito sa posibleng pagpasok ng mga pekeng COVID-19 vaccines sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas na inatasan niya na ang criminal investigation and detection group, intelligence group, at iba pang police units para bumuo ng mga team na magsasagawa ng monitoring.

Makikipag-coordinate din ang PNP sa Department of Health (DOH), National Task Force Against COVID-19 , at Food and Drug Administration (FDA).

Sa panig ng DOH, nakikipag-ugnayan na sila sa o FDA para naman tiyakin nito ang maayos na pagsusuri  na gagawin ng Bureau of Customs (BOC)  oras na may mga bakuna nang darating sa bansa

“Meron nang pakikipag-ugnayan ang FDA, ang ating Bureau of Customs na talagang susuriing maiigi itong mga dokumento ng mga bakunang darating, at magkakaroon pa po sila ng orientation patungkol dito,” ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III.

Tiniyak din ng DOH na mananagot ang sinumang nasa likod ng pamemeke ng mga bakuna.

Kaya ani Duque, dapat na matiyak mapigilan sa mga boarder points ang mga pekeng bakuna.

“At ako naman ay nakakasiguro na itong mga pekeng bakuna na ito — ay harinawa ay ‘di makapasok at kung saka-sakali naman makapasok — ‘don pa lang sa border controls natin ay talagang mapigilan na at maimbestigahan at makasuhan ang mga salarin, so ‘yan po ang pinaghahandaan.”

Paglilinaw din ng FDA, wala pang partikular na brand ng COVID-19 vaccine ang otorisadong ipagbili at gamitin sa pilipinas.

Samantala, ginagawan na ng paraan ngayon ng MMDA ang road reblockings sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na dadaanan ng mga bakuna.

Bahagi kasi ito ng pag-iingat sa pagbiyahe ng mga bakuna dahil sa sensitibong kondisyon nito.

More in National News

Latest News

To Top