Connect with us

Peace Talks sa pagitan ng gobyerno at teroristang grupo, patay na – PRRD

Patay na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng teroristang grupo.Ito ang inihayag ni Pang. Rodrigo Duterte sa SMNI News.

National News

Peace Talks sa pagitan ng gobyerno at teroristang grupo, patay na – PRRD

Patay na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng teroristang grupo.

Ito ang inihayag ni Pang. Rodrigo Duterte sa panayam dito ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao City sa SMNI News.

Binigyang-diin ng pangulo na sobra-sobra na ang hinihingi ng mga komunistang grupo mula sa gobyerno kapalit ng kapayapaan.

“Wala na. Ayoko ko nang makipag-usap eh, kasi arogante. I mean, I reviewed with the military. Sinabi ko sa military, i-review n’yo ulit, bigyan n’yo ako ng recommendation,” ayon sa pangulo.

Ayon kay Pang. Duterte, ni-review ng military at lumabas na sobra na ang kanilang hinihingi sa gobyerno.

“Too much has been asked. Parang noon economic policies of the country, they would be a part of it, like a coalition government. Hindi puwede ‘yon,” dagdag pa nito.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ibinasura ni Pang. Duterte ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front kasunog ng nangyaring insidente na pinatay ang mga sundalong nagsagawa ng humanitarian missions sa kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19 sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top