Pinagsusumite ng Kamara ang mga major broadcasting company sa bansa ng kopya ng kanilang Philippine Depositary Receipts (PDRs) na inisyu sa mga dayuhan.

PDRs ng mga malalaking broadcasting company sa bansa, pinasusumite sa Kamara

National News

Pinagsusumite ng Kamara ang mga major broadcasting company sa bansa ng kopya ng kanilang Philippine Depositary Receipts (PDRs) na inisyu sa mga dayuhan.

Sa House Resolution 984 na inihain ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago, nais nito na silipin ang legalidad ng mga PDRs na inisyu sa mga non-Filipino holders.

Ginawang halimbawa nito ang nadiskubreng violation ng ABS-CBN Corp. sa 100% Filipino-ownership ng mass media sa bansa dahil nagbenta ito ng PDR sa mga dayuhan.

Ang ownership violation ng ABS-CBN ay labag sa constituional requirement ng isang franchise holder.

Pinaalalahan din sa resolusyon ang mga media companies sa pagsunod sa Section 11, Article 16 ng konstitusyon na ang mass media management at ownership ay limitado lamang para sa mga Pilipino.

Dahil diyan, nakatakda namang ipatawag sa Kamara ang mga Major Broadcasting Company para personal na idepensa ang issuance ng PDR sa mga dayuhan.