Connect with us

PDP-LABAN, pumirma ng manifesto na sumusuporta kay Pang. Duterte bilang VP sa 2021

Tatlumpung mga miyembro ng PDP-Laban ang pumirma ng manifesto na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise-presidente sa 2022.

National News

PDP-LABAN, pumirma ng manifesto na sumusuporta kay Pang. Duterte bilang VP sa 2021

Tatlumpung mga miyembro ng PDP-LABAN ang pumirma ng manifesto na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise-presidente sa 2022.

Ito ang kinumpirma ni PDP-LABAN Deputy Secretary General Melvin Matibag.

Ani matibag, nagmimistula pa ngang unifying factor si Pangulong Duterte sa lahat na miyembro ng PDP-LABAN na umalis dahil ngayo’y gusto nang bumalik sa partido.

Kung tatakbo man din aniya si Pangulong Duterte bilang vice president, may kalayaan itong pumili ng sarili niyang running mate.

Matatandaan na kamakailan lang ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto nitong si Go ang susunod sa kanya bilang pangulo na sinagot naman ni Go na tatakbo lang ito kung ang kanyang magiging bise presidente ay ang pangulo..

Ngunit nilinaw ni Go na biro lang nila ito ng pangulo dahil ang katotohanan aniya, ay wala siyang interes na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika.

Samantala, nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ni Senator Bong Go si Senator Sherwin Gatchalian kung tatakbo ito sa pagpa-pangulo sa darating ng halalan.

Ayon kay Gatchalian, matagal na nitong kaibigan si Go at alam niyang masipag at mabuti itong tao.

Gayunman, nilinaw ni Gatchalian na ang kanyang pagpahayag ng suporta kay Go ay personal lamang at hindi ito pahayag ng kanyang political party na National People’s Coalition (NPC).

Samantala, patuloy naman na iginigiit ni senator go na huwag na itong isama sa usapang eleksyon dahil nakatutok aniya siya sa pagbibigay-serbisyo lalo na ngayong may pandemya.

 

More in National News

Latest News

To Top