Connect with us

PDP-Laban National Council, nagpakita ng puwersa laban sa paksyon ni Pacquiao

Dinagsa ng national council officers ang national council meeting ng PDP-Laban sa Clark Pampanga.Mahigit sa 140 national officers ang dumalo sa meeting

National News

PDP-Laban National Council, nagpakita ng puwersa laban sa paksyon ni Pacquiao

Dinagsa ng national council officers ang national council meeting ng PDP-Laban sa Clark Pampanga.

Mahigit sa 140 national officers ang dumalo sa meeting bilang pagsuporta sa grupong kampi kay Pangulong Rodrigo Duterte sa partido.

64 lamang na national council members ang kailangan para makabuo ng quorum, pero ang mga dumalo sa Pampanga ay lampas pa sa kinakailangang bilang ng attendees.

Samantala, sa umpisa pa lang ng meeting ay pinawalang bisa agad ang expulsion order laban kina Party Vice-Chairman Alfonso Cusi at membership committee head Astra Naik.

Ang tatlo ay tinanggal ng paksyon nina Senador Manny Pacquiao dahil sa isyu umano ng katapatan sa partido.

Ayon sa head ng Internal Affairs Department na si Atty. Raul Lambino, “Very clear yan sa constitution ng ng PDP. There are only 3 bodies na pu-pwedeng mag discipline ng members. 1 is the party chapter where eering member belongs. 2nd yung regional council where that eering chapter belongs and the national council.”

Bilang pagsuporta sa ginawang pagpupulong, nagpadala rin ng manifesto of support ang mga PDP members sa Kamara.

Nanindigan naman ang grupo na wala nang iba pang national council ang partido kundi ang mga dumalo sa pulong.

Natitiyak rin ng mga ito na buo ang suporta ng partido kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman at wala sa kampo nina Senator Pacquiao.

Sa ngayon ay naghahanda na ang partido para sa meeting bukas kung saan si Pangulong Duterte ang manguna bilang party chairman.

Magkakaroon di ng eleksyon ng bagong mga opisyal ng partido.

Nag-umpisa namang tumanggap ng mga nominasyon ang election committee para sa botohan ng mga bagong opisyal ng partido.

More in National News

Latest News

To Top