Connect with us

PCSO board member Sandra Cam, iginiit na inosente sa pagpatay kay Yuson

Iginiit ni PCSO board member Sandra Cam na siya'y inosente sa kasong pagpatay kay  Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.

National News

PCSO board member Sandra Cam, iginiit na inosente sa pagpatay kay Yuson

Iginiit ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam na siya’y inosente sa kasong pagpatay kay  Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.

Ito ay matapos boluntaryong sumuko sa Philippine National Police  Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Ayon kay Cam, handa siyang humarap sa korte para patunayan na walang kinalaman sa krimen.

Kinumpirma ni PNP CIDG director Police Major General Albert Ignatius Ferro na nakipag-ugnayan ang kampo ni Cam para sa pagsuko nito.

Agad anyang nagtungo ang CIDG sa ospital sa Cavite kung saan naka-confine si Cam dahil sa kanyang medical condition para isilbi ang warrant of arrest.

Sa sandaling maging maayos ang kondisyon ni Cam ay doon pa lamang siya maaaring dalhin sa Camp Crame.

More in National News

Latest News

To Top