Connect with us

PCG, nagwagayway ng bandila sa Kalayaan Group of Islands

Pumalaot at naglayag sa Kalayaan Group of Islands ang ilang mga opisyal at miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang paggunita ng National Flag Day

National News

PCG, nagwagayway ng bandila sa Kalayaan Group of Islands

Pumalaot at naglayag sa Kalayaan Group of Islands ang ilang mga opisyal at miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang paggunita ng National Flag Day at iwinagayway doon ang bandila ng Pilipinas.

Partikular na sinakyan ni PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. kasama  ang tropa ay pinakamalaking barko ng Coast Guard na BRP Gabriela Silang.

Samantala bukod sa BRP Gabriela Silang ay kasama ring naglayag sa Pagasa island ang dalawang multi-role response vessel ng PCG para ipakita ang mas pinaigting na visibility ng mga puting barko ng Pilipinas.

Sinabi ni Admiral Ursabia na sa pamamagitan ng mapayapa at ligal na pamamaraan ay ipinakita lang ng PCG sa buong mundo na pag-aari ng Pilipinas ang Kalayaan Group of Island.

“Ipinapakita natin sa buong mundo na itong lugar ng Kalayaan Island Group ay atin. And we are doing it in a peaceful and rules-based manner — by raising our national flag high and with sense of pride,” mensahe ni Admiral Ursabia.

Kaugnay nito, iginiit pa ni Ursabia na tunay na mahalaga ang visibility o pagpapakita ng presensya ng Pilipinas sa ating katubigan o karagatan sa pamamagitan ng pagwawagayway ng ating watawat.

Ito anya ang naging partisipasyon ng PCG sa paggunita ng National Flag Day at bilang pagsalubong na rin sa Philippine Independence Day.

Simula anya ngayong araw o May 28 hanggang sa June 12 ay kaisa at katuwang ang PCG sa pagtataguyod ng maayos na paggamit at pagpapakita ng ating pambansang watawat, batay sa nakasaad sa Republic Act No. 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines”.

Batay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 374 na nilagdaan nuong March 6, 1965 ay idineklara ang May 28 ng bawat taon bilang National Flag Day para gunitain ang araw ng pagwagayway ng Bandila ng Pilipinas matapos talunin ng Philippine Revolutionary Army ang Spanish forces sa labanan sa Alapan, Imus, CAvite noong 1898.

 

More in National News

Latest News

To Top