PBA Veteran Jervy Cruz, nagpaabot ng tulong sa ‘Piston 6’

Sports

Nagpa-abot ng tulong ang PBA veteran na si Jervy Cruz sa tinaguriang ‘Piston 6’.

Ang ‘Piston 6’ ay ang mga miyembro ng jeepney drivers na naaresto matapos mag-protesta kamakailan sa kagustuhang makapamasadang muli.

Makikita naman sa post ni Jervy sa kaniyang instagram post ang kaban-kabang sako ng bigas na ipinagkaloob sa mga jeepney drivers.

Sa isang pahayag sinabi naman ng UST graduates, na masarap sa pakiramdam ang nakatulong sa kapwa.

Naisakatuparan naman ang relief drive ng Northport Player sa tulong ng kaniyang kapwa Thomasian na sina Allen Javier at Doland Castro.

Matatandaang, noong nakaraang kaarawan ni Jervy ay idinaos niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ayuda sa mga na-stranded na OFWs sa Villamor Airbase sa Pasay City.