Connect with us

PBA players na hindi magpapabakuna kontra COVID-19, walang sahod kung magpositibo sa virus

PBA players na hindi magpapabakuna kontra COVID-19, walang sahod kung magpositibo sa virus

Sports

PBA players na hindi magpapabakuna kontra COVID-19, walang sahod kung magpositibo sa virus

Nagbabala ang Philippine Basketball Association (PBA) sa mga manlalaro na hindi magpapabakuna kontra COVID-19.

 

Ito’y sa kabila ng pagrespeto ng liga sa karapatan at desisyon ng mga ito na hindi magpapabakuna.

 

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hindi pipilitin ang mga player na magpabakuna ngunit tiniyak na babawasan o hindi makatatanggap ng sahod kung magpositibo sila sa virus.

 

Paliwanag pa ni Marcial, 14 na araw isasailalim sa quarantine ang mga nagpositibo sa virus kaya 14 na araw din sila na walang sahod.

 

Giit ng opisyal, maraming disadvantage ang walang bakuna dahil mas maraming restriction na kailangang sundin ng mga ito kabilang na ang hindi paglalabas, at hindi pagtanggap ng mga bisita.

 

More in Sports

Latest News

To Top