Connect with us

PBA Philippine Cup, maaring tumagal hanggang sa susunod na taon

PBA Philippine Cup

Sports

PBA Philippine Cup, maaring tumagal hanggang sa susunod na taon

PORMAL na ngang magbubukas ngayong darating na linggo ang Ika-44 na Season ng PBA Philippine Cup.

Nakatakda namang magtunggali agad sa opener game ang koponan ng Barangay Ginebra at TNT Ka Tropa.

Asahan naman ang magiging mahabang takbo ng liga ngayong season.

Kasunod ng mga international involvement ng ilang PBA player.

Titigil panandalian ang laro ng liga sa darating na February 14 hanggang 26.

Para magbigay daan sa magiging preparation ng national team na Gilas Pilipinas sa final window of the 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

At kung makakapasok ang Gilas sa FIBA World Cup sa China ay magkakaroon ulit ng 10-12 days break sa paglalaro.

Pagpasok naman ng November 30 to December 12 ay aasahan ang paglahok ng ilang PBA player.

Para irepresenta ang national basketball team sa SEA Games.

Pero bago pa man ang magiging opening ng bagong season ay magdaraos muna ang PBA ng kanilang Annual Leo Awards.

Para parangalan ang mga naging best player ng PBA Cup Season 43.

Sa kabi-kabilang international participation Philippine Basketball Association ay maituturing ngang malayo na ang nararating ng ating basketball community. 

Samantala, magpapatupad ang PBA ng mga pagbabago sa kanilang game ruling.

Asahan ang mabusising pagrereview ng board pagdating sa goal-tending calls, travelling violation at calling of time-out.

Gagayahin ng PBA ang FIBA ruling pagdating sa pagtawag ng travelling.

At sa pagtawag naman ng timeouts ay pinapayagan na ang lahat ng mga coach na gawin ito verbally.

At kahit hindi na sa paraan ng gestures.

DZAR1026

 

More in Sports

Latest News

To Top