Connect with us

PBA, pansamantalang nagsuspinde ng mga laro dahil sa banta ng Delta variant

PBA players na hindi magpapabakuna kontra COVID-19, walang sahod kung magpositibo sa virus

News

PBA, pansamantalang nagsuspinde ng mga laro dahil sa banta ng Delta variant

Pansamantalang susupindehin ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang mga laro simula bukas, Agosto 4.

Ito ang inanunsyo ngayong araw ng PBA bilang pagsuporta sa direktiba ng gobyerno para matugunan ang pagtaas ng COVID-19 Delta variant infections.

Ang desisyon ay kasunod na rin ng pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang 20.

Samantala, sa ngayon ay hinihintay ng league ang aprobal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa kanilang request na ilipat ang mga laro sa lipa batangas.

Ang Philippine cup ay kasalukuyang ginaganap sa Ynares Sports Arena sa Pasig city.

 

 

More in News

Latest News

To Top