Makikipagpulong si PBA Commissioner Willie Marcial sa mga coach at team managers sa darating na Biyernes ito ay bilang paghahanda sa pagbabalik ensayo.

PBA Commissioner Marcial, pinaghahandaan na ang pagbabalik ensayo

Sports

Makikipagpulong si Philippine Basketball Association o PBA Commissioner Willie Marcial sa mga coach at team managers sa darating na Biyernes.

Ito ay upang pag-usapan ang magiging guidelines at protocols sa muling pagbabalik ensayo ng mga manlalaro nito.

Sa gagawing pag-uusap, ipapaliwanag ni Marcial ang measures na inihanda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa liga.

Sinabi pa ng PBA Commissioner, nagpapasalamat siya sa gobyerno at sa IATF dahil sa binigyan sila ng oportunidad na muling makapag-ensayo.

Sinabi din ni Marcial na kasunod niyang kakausapin ang mga PBA governors sa darating na Sabado habang ang pag-eensayo naman ay maaari nang payagan matapos ang 5 hanggang 7 araw.

Ang muling pagbabalik ensayo ng liga ay nilimitahan lamang sa hanggang 6 na indibidwal sa ngayon upang masiguro na masusunod ang standard health protocols.