Connect with us

Pawis sa kili-kili, posibleng gamitin sa pag-detect ng COVID-19

Posibleng makapag-detect ng infection ng COVID-19 ang isang aparato sa Thailand gamit lamang ang pawis sa kili-kili.

National News

Pawis sa kili-kili, posibleng gamitin sa pag-detect ng COVID-19

Posibleng makapag-detect ng infection ng COVID-19 ang isang aparato sa Thailand gamit lamang ang pawis sa kili-kili.

Bumubuo ngayon ang mga mananaliksik ng bansang Thailand ng isang ‘sweat-based mobile virus detector‘.

Una itong sinubukan sa mga tindera ng food market sa Bangkok ngayong linggo.

Ayon kay Chadin Kulsing mula sa Chulalongkorn University, natuklasan mula sa samples na kanilang isinuri na ang mga taong may COVID-19 ay naglalabas ng kakaibang kemikal.

Ang natuklasang development ang kanila aniyang ginamit sa pagdevelop ng device na magde-detect ng mga amoy na napo-produce ng bakterya sa pawis ng mga COVID-19 patients.

Dagdag ni Chadin, 95% accurate ang resulta ng test kaya naman umaasa ito sa posibilidad na maging alternatibo ito sa napakamahal na swab tests.

Samantala, kasalukyang nasa development stage pa ang naturang aparato.

 

More in National News

Latest News

To Top