Nasawi dahil sa COVID-19, umabot na sa 1,107

International News National News

Umabot na sa 1,107 ang bilang ng mga nasawi sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Batay sa report ng Chinese Government, nadagdagan pa ng 94 ang bilang ng nasawi sa nakalipas na 24 oras.

Maliban dito, 1,600 rin ang nadagdag sa bilang ng mga bagong kaso ang naitala dahil upang umabot na sa higit 44,00 ang kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng World Health Organization, 99% ng kabuong bilang ng kaso ay naitala sa China.

Sa ngayon tanging ang Pilipinas at Hong Kong pa lamang ang nakapagtala ng nasawi sa dahil COVID-19 sa labas ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *