Connect with us

Patas na pagsasakdal, iginiit ni Pastor Quiboloy sa kasong isinampa ni Pacquiao

Play fair. Ito ang tugon ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ

National News

Patas na pagsasakdal, iginiit ni Pastor Quiboloy sa kasong isinampa ni Pacquiao

Play fair.

Ito ang tugon ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa kasong libelo na isinampa ni Senator Manny Pacquiao laban sa kanya.

Ayon kay Pastor Apollo, nasa kamay na ng kanyang mga abogado ang mga hakbang na dapat gawin laban sa isinampang kaso ng senador.

Matatandaan na ang kasong isinampa ni Pacquiao kay Pastor Apollo ay kaugnay sa umano’y pagkakalat ng fake news o maling impormasyon sa nakatiwangwang na Saranggani Sports Complex.

Una nang sinabi ni Pastor Apollo na nagtatanong pa lamang siya kay Pacquiao kung ano ang totoo sa naturang balita at hinamon ito ng isang marangal na debate, ngunit sa halip na sagutin ay nagpaparinig pa ito at sinabihan pa ang butihing pastor na ‘psychologically imbalanced’.

Ngayong nagsampa na ng kaso si Pacquiao, binigyang-diin ni Pastor Apollo na sa korte na nila ito pagdedebatehan.

Hindi rin isinantabi ng legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ na posibleng may kinalaman sa pulitika ang naturang hakbang ni Pacquiao.

Ayon sa KJC legal counsel, hindi pa natatanggap ni Pastor Apollo ang kopya ng libel at cyberlibel complaint na sinampa ni Manny Pacquiao sa makati prosecuters office.

Hinggil naman sa pagkakaibigan ni Pastor Apollo at Pacquiao, nilinaw ng butihing pastor na wala itong personal dahil issue lamang ito at wala aniyang samaan ng loob.

More in National News

Latest News

To Top