Connect with us

Pastor Quiboloy, nagbigay ng mga partidang tanong para sa debate kay Sen. Pacquiao

Para maging komportable kay Senator Manny Pacquiao ang alok na debate, nagbigay si Pastor Apollo C. Quiboloy chairman ng SMNI ng partidang katanungan

National News

Pastor Quiboloy, nagbigay ng mga partidang tanong para sa debate kay Sen. Pacquiao

Para maging komportable kay Senator Manny Pacquiao ang alok na debate, nagbigay si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ at chairman ng SMNI ng partidang katanungan upang mapaghandaan nito ang kanyang mga isasagot.

Ayon sa butihing pastor, kasama sa isyu na kanilang pagdedebatihan ay ang katiwalian matapos sabihin ng senador na hindi ito sinungaling at tiwali.

Kasama din sa pag-uusapan ng dalawa ang akusasyon ni Senator Manny Pacquiao na hindi tunay na pastor si Pastor Apollo.

Para kay Pastor Apollo, hindi siya dapat na pagdudadahan sa pagiging pastor nito dahil wala itong sinakyang propesyon maliban sa paglilingkod sa Diyos.

Maliban sa mga nabanggit, pag uusapn din ang pagiging half Spanish sa dugo nito;

At panghuli ay ang mapatunayan ng senador na mali ang paghingi ng paliwanag ni Pastor Apollo kaugnay sa nakatiwangwang na pasilidad sa Saranggani Province na ginastusan ng bilyun bilyong piso ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamit.

Pinaalalahanan din ni Pastor Apollo si Pacquiao na magpakatotoo nalang ito bilang isang public official.

Tiniyak naman ng butihing pastor na magiging patas ito sa alok na debate laban kay Pacquiao.

Inamin din ni Pastor Apollo na halos araw-araw nitong nagiging pagkain ang ilang demanda o inihahablang kaso laban sa kanya sa loob ng 35 taon ngunit lahat ng ito ay kanyang naipanalo dahil lahat ay pawang mga akusasyon at kasinungalingan lamang.

Matatandaan sa isang panayam sa senador, desedido aniya ito na maghabla ng kaso laban kay Pastor Apollo ngunit hindi pa matiyak kung anong kalseng kaso ang ihahain nito.

 

More in National News

Latest News

To Top