Connect with us

Pastor Quiboloy kay VP Leni: Kung ina ka ng bayan, ipagtanggol mo ang mga Pilipino sa CPP-NPA

Kung ina ka ng bayan, ipagtanggol mo ang mga anak mo laban sa rebeldeng komunistang teroristang CPP-NPA-NDF.

National News

Pastor Quiboloy kay VP Leni: Kung ina ka ng bayan, ipagtanggol mo ang mga Pilipino sa CPP-NPA

Kung ina ka ng bayan, ipagtanggol mo ang mga anak mo laban sa rebeldeng komunistang teroristang CPP-NPA-NDF.

Ito ang tahasang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, chairman ng SMNI at executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ kay Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na naghain na ng kandidatura sa pagkapangulo si Robredo at sinabi nitong siya ang ‘nanay ng bayan’.

Sa kanyang programang Give Us This Day, sinabi ni Pastor Apollo na kung itinuring ni Robredo ang sarili bilang ‘Nanay ng Bayan’ ay dapat nitong ipagtanggol laban sa mga teroristang komunista ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan.

Bukod sa mga kabataan, sinabi ni Pastor Apollo na dapat ding pasukuin ni Robredo ang mga New People’s Army o NPA at ang CPP-NPA founder na si Joma Sison na nanloloko ng mga mahihirap partikular na ang mga katutubo o indigenous people.

Ngunit ayon kay Pastor Apollo, hindi niya naririnig kay Robrero na kinondena nito ang karahasaan at panloloko at pangrerecruit ng mga NPA.

Matatandaan na kamakailan lang ay nagpahayag si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares na handang makipagtulungan kay VP Robredo ang makakaliwang grupong Makabayan Bloc.

Ang Makabayan Bloc ay iniuugnay bilang legal fronts ng teroristang komunistang grupong CPP-NPA-NDF na ang layunin ay pabagsakin ang gobyerno ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top