Connect with us

Pastor Quiboloy, hinamon ng isang marangal na debate si Sen. Pacquiao

Hinamon ng isang marangal na debate ni Pastor Apollo C. Quiboloy, executive pastor at chairman at CEO ng Sonshine Media Network si Senator Manny Pacquiao.

National News

Pastor Quiboloy, hinamon ng isang marangal na debate si Sen. Pacquiao

Hinamon ng isang marangal na debate ni Pastor Apollo C. Quiboloy, executive pastor at chairman at CEO ng Sonshine Media Network International si Senator Manny Pacquiao.

Ito ang isinagot ni Pastor Apollo sa banta ni Pacquiao na kasuhan ito dahil umano sa pagpapakalat ng fake news.

Saad ng butihing pastor, “Ikaw kung gusto mo ay sa ring ng public opinion, I challenge you to a very honorable debate about this ssue. Hinahamon kita Senador Many Paquiao sa isang marangal na debate. Pili ka kung saan. Dito sa SMNI o pili ka sa sinong media outlet sa TV sa issue ng 3.5 billion na ikaw ang author at nagpasalamat ka pa kay Pangulong Duterte na pinirmahan niya.”

Nag-ugat ang usapin nang tanungin ni Pastor Apollo si Pacquiao hinggil sa sinasabing pinapabayaan nitong proyekto na nagkakahalaga ng P3.5 bilyong sa Saranggani at patunayan ng senador na hindi ito sinungaling at korup matapos ihayag ang umano’y tatlong beses na korupsyon ng kasalukuyang administrasyon.

Sa pahayag ni Pacquiao, nais nitong sampahan ng kaso si Pastor Apollo dahil sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon sa publiko.

Binigyang-diin ni Pastor Apollo sa kanyang live program na Give Us This Day na nililihis lamang ni Pacquiao ang isyu, “Senator Manny, naiintindihan ko naman na masakit yung sunud sunod na pagkatalo mo… Sa PDP-Laban, tapos kay Ugas. Ang problema lang eh public official ka at ako ay private citizen. Yung mga tanong ko sa iyo, of public interest na dapat mong sagutin bilang isang duly elected public official. Ang problema nga lang, yung mga sagot mo sa akin, personal, lumilihis ka sa issue.”

Ipinunto ng butihing pastor na tinatanong lamang niya si Pacquiao kung totoo nga bang walang nangyayaring korupsyon sa nasabing proyekto ng pamahalaan.

Nilinaw din ni Pastor Apollo na hindi paninira ang kanyang ginawa kay Pacquiao dahil may sapat siyang ebidensya para patunayan ito.

Gayunman, nakahanda naman si Pastor Apollo na harapin kung ano man ang isasampang kaso ni Pacquiao laban sa kanya.

Aniya,”Marami naman akong ebidenysa na hindi paninira sa akin. Baka matalo ka na naman dun. Natalo ka sa pdp laban tapos kay ugas tapos matatalo ka na naman sa akin. Amy abogado ka, may abogado ako, eh du sila ang maglalaban sa korte.”

Maliban sa isyu ng umano’y korupsyon sa nakatiwangwang na 3.5 bilyong sports complex ay kasama din sa padedebatehan ang sinabi ni Pacquiao na hindi ito tiwali at sinungaling, at ang sinabi nito na hindi totoong pastor si Pastor Apollo.

Isasama na rin ang pagiging half spanish ng senador at ang kwestiyunableng pagtatapos nito sa kursong political science.

Samantala, kinuwestiyon din ni Pastor Apollo si Senator Pacquiao dahil ni minsan ay hindi nito narinig na kinondena ng senador ang karahasaan na ginagawa ng mga miyembro ng CPP-NPA-NDF sa mga sibilyan at sa mga pwersa ng pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top