Nagsanib pwersa ang mga grupong sumusuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy para ipaabot ang tulong para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Mayon sa Sto. Tomas, Batangas.

Pastor Apollo Quiboloy, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Taal Volcano eruption

Kingdom News National News

Nagsanib pwersa ang mga grupong sumusuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy para ipaabot ang tulong para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Sto. Tomas, Batangas.

Pastor ACQ relief operation sa Sto. Tomas, Batangas
Pastor ACQ relief operation sa Sto. Tomas, Batangas

Matapos ang panalangin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ para sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal ay agad siya nagpadala ng ayuda sa mga nasalanta at pansamantalang nakatira sa Sto. Tomas North Central Elementary School.

  

Katuwang ni Pastor Apollo and Children’s Joy Foundation Inc, Sonshine Philippines Movement, Sonshine Media Network International, at Sonshine Radio ay ipinaabot nito ang tulong na higit pa sa pangangailangan ng mga nasa evacuation site.

Daan-daan ang pumila mula sa balde na naglalaman ng mga relief goods gaya ng bigas, canned goods, noodles, biscocho, biscuit, bihon, kape at gatas.

Nagsanib pwersa ang mga grupong sumusuporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy para ipaabot ang tulong para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Mayon sa Sto. Tomas, Batangas.

Pagkatapos nito ay lilipat ng pila para naman sa beddings, blanket at personal hygiene kit dahil alam ni Pastor Apollo na hindi kumportable sa mga kababayan natin ang tumira sa evacuation site.

Hindi pa nagtatapos ang tulong diyan ni Pastor Apollo dahil tubig ang isa sa pinakakailangan ng mga evacuees kaya nagbigay ito ng tig-iisang 5 gallon water at isang case na naglalaman ng 24 bottles mg 500ml mineral water.

Akala ng mga evacuees ay tapos na ang tulong sa kanila.

 

Hindi pinalampas ni Pastor Apollo na mabigyan ng hot meals ang bawat tao sa evacuation site na maaga pa lang pumila na.

Kaya ipinaabot ng mga evacuees ang abot-langit na pasasalamat nila kay Pastor Apollo.

Ani ng ilang residenteng nabigyan ng tulong ni Pastor Apollo, “Salamat po sa inyong tulong. Malaking bagay po ito sa amin talaga dahil nangangailangan talaga kami ng tulong.”

“Marami po ang nakikinabang sa binigay na tulong ni Pastor Quiboloy. Marami pong salamat.”

Ang iba naman ay itinuturing blessings mula sa langit ang pagtulong ni Pastor Apollo, “Maraming salamat po sa nagbigay [Pastor Apollo], hulog po ng langit sa amin.”

“Bless na bless po talaga yung tulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy, talaga pong napakarami.”

Maging ang batikang broadcaster ng SMNI na si Mike Abe at Sto Tomas, Batangas Mayor Edna Sanchez ay nagpaabot ng pasasalamat sa tulong na ibinigay ni Pastor Apollo.

 

Masayang pasasalamat ni Abe kay Pastor Apollo, “…ito pong item na inyong ibinibigay, hindi mga pangkaraniwan. [N]akita ko na talagang pwede nilang gamitin ng ilang araw o linggo lalo na po yung mga balde at tsaka po yung tubig, at tsaka yung mga blanket na ibinigay. Salamat po Pastor at marami po ang natutuwa dito sa Sto. Tomas, Batangas.”

Dagdag pa ni Abe na tubong-Batangas din, “Ito po ay isang pagpapakita na hindi kayo tumitigil sa pagtulong, Pastor, salamat po. Ang mga kababayan namin dito sa Batangas ay nagkakaisa na nagpapasalamat din sa inyo.”

Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat Si Mayor Edna Sanchez, “Lahat kami ay nagpapasalamat sa mga donation na dumarating. Yung mga tulong na binibigay sa bayan ng Sto. Tomas at kami ho ay talagang nakikita namin kung gaano kasama yung nangyaring [d]ito…Kaya ako’y taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nag-donate…at nandyan si Pastor Quiboloy. Maraming maraming salamat ho at malaking tulong ito sa ating mga evacuee.”

Si Pastor Apollo ay kilalang philantrophist sa dahil sa mga humanitarian activities nito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Kaya asahan si Pastor Apollo at mga partners nito mula sa CJFI, SPM at SMNI na magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan kahit saan man sila sa mundo.

`