Connect with us

Pastor Apollo: Pulis na sangkot sa pagpaslang sa Tarlac, hindi na dapat palayain

Hindi na dapat pang palayain ang pulis na sangkot sa pagpaslang sa mag-ina sa Tarlac.

National News

Pastor Apollo: Pulis na sangkot sa pagpaslang sa Tarlac, hindi na dapat palayain

Hindi na dapat pang palayain ang pulis na sangkot sa pagpaslang sa mag-ina sa Tarlac.

Ito ay ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ ang ginawang pagpatay ng pulis na kinilalang si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca kay Sonya Gregorio at sa anak nitong si Frank Anthony Gregorio sa bayan ng Paniqui, Tarlac nitong linggo ay walang kapatawaran.

Dapat ‘yang pulis na yan, ‘di na makalabas ng bilangguan ‘yan. Kasi ‘yung ginawa niya, hindi mapapatawad ‘yun. Pulis siya, dapat siya ang mapagtimpi sa sarili niya, may baril siya. ‘Yung mag-ina walang kalaban-laban. Bata pa ‘yung isa, babae pa ‘yung isa. Kaya ang mga pangyayaring ganyan, dapat hindi na ‘yan makalabas sa bilangguan kasi wala naman tayong death penalty. Pero ‘yan, karapat-dapat sa death penalty ‘yang tao na iyan.”

Ayon kay Pastor Apollo, ang ginawang krimen ng pulis ay karapatdapat sa death penalty.

Hindi katanggap-tanggap na ang isang pulis na ang mandato ay nagbibigay proteksiyon sa publiko ang nagiging mamatay tao.

Naniniwala din ang butihing pastor na hindi dapat idamay ang buong Philippine National Police ang naging pagkakamali ni Nuezca.

Pinatutsyadahan naman ni Pastor Apollo ang pagsakay sa isyu ng mga komunistang grupo na walang ibang  motibo kundi sirain ang gobyerno at gumawa ng dahilan upang magalit ang taumbayan sa buong kapulisan.

Kaya kung namamayagpag kayo ngayon, sabi ninyo na kaya dumami ang mga CPP-NPA… ano ang kinalaman nun? Hindi naman ‘yun policy ng PNP na ganun ang gawin pagka may kalaban ka na sibilyan. Random na kasalanan niya ‘yun. Nag-init ang ulo niya, may baril siya, hindi siya nakatiis baka kinukutya siya, ‘yun ang ginamit niya. ‘Yun ang malaking kasalanan niya.”

Para kay Pastor Apollo, kung magkagawa man ng pagkakamali ang isang pulis ay siguradong mananagot ito sa batas dahil ito aniya ang nakasaad sa kanilang polisiya hindi tulad ng CPP-NPA-NDF.

Una nang sinabi ng PNP na inihahanda na ang pagsasampa ng reklamo double murder laban sa suspek na pulis at magsasaggawa rin ng imbestigasyon para sa administrative case laban dito.

Inihalintulad pa ni Pastor Apollo sa kwento ng apostoles na may isa na nagtaksil o sa isang pamilya na mayroong black sheep ay hindi nangangahulugang maisisisi na sa lahat ng aposteles o sa buong pamilya ang pagkakamali ng isa.

Hindi mo pwedeng ipataw ang kasalanang ‘yun sa buong organisasyon ng PNP. Kahit na anong gawin mo, may bulok na kamatis din talaga sa isang organisasyon. Sa labindalawang apostoles nga may isang bulok pa si Hudas. Komo naghudas si Hudas pati labindalawa idamay mo na hudas pati si Hesukristo? Ganun din sa langit, komo ang isang anghel na si Lucifer mabuti siya noon, kumontra siya sa Diyos, kinalaban niya, nagtraydor siya, ibig sabihin ang buong sangkalangitan puro na mga satanas? Hindi. Meron talaga. Kahit sa inyo sa pamilya ninyo, gaano man kaliit o kalaki, mayroong isang black sheep talaga diyan. Ibig-sabihin ba nun lahat kayo ganun? Huwag ninyong ihambing ang ganun, mali iyon.

Matatandang nagpahayag din si Interior Secretary Eduardo Año na sa kabila ng ginawang pagpaslang ni Nuezca ay hindi aniya maituturing kasalanan ng buong Philippine National Police.

Aniya, napatunayan naman ng ating mga Kapulisan na ginagampanan nito ang kanilang mandato na protektahan at isulong ang kapakanan ng publiko sa pamamagitan ng pagalay ng kanilang buhay sa gitna ng COVID-19 response ng pamahalaan.

The sin of Nuezca is not the sin of the entire Philippine National Police. As we have seen during this pandemic, they place their very lives on the line as frontliners in our covid response.”

Sinabi din ni PNP chief Debold Sinas na isolated case ang ginawang krimen ni Nuezca at mananatili at hindi magbabago ang sinumpaan ng 221,000 police personnel na “to serve and to protect the people.”

More in National News

Latest News

To Top