Connect with us

Pastor Apollo C. Quiboloy, wala pang kaso – legal counsel

Pastor Apollo C. Quiboloy, wala pang kaso - legal counsel

National News

Pastor Apollo C. Quiboloy, wala pang kaso – legal counsel

Wala pang kaso laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy, executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ kahit pa nakapaghain na ng kaso laban dito si Senador Manny Pacquiao.

Ito ang nilinaw ng tagapagsalita ng kampo ni Pastor Apollo na si Atty. Dainah Tolentino-Fuentes sa panayam ng Sonshine Radio.

Ani Fuentes, ito ay dahil nasa Makati prosecutor’s office pa lang ang kaso at wala pang nakarating na kopya ng affidavit complaint sa kampo ng butihing pastor.

Kaugnay sa kasong libelo na isinampa ng kampo ni Pacquiao, muling nilinaw ni Fuentes na walang nangyaring akusasyon si Pastor Apollo laban sa senador dahil nagtatanong lamang ito sa mga bagay na ginagawa ni Pacquiao bilang public official na ibinoto ng taumbayan.

Ani Fuentes, wala namang nilabag na batas dito dahil may karapatan aniya ang bawat mamamayang Pilipino na usisain o tanungin ang isang opisyal ng gobyerno

Kung matatandaan, inimbitahan pa ni Pastor Apollo si Pacquiao na bumisita sa SMNI studios para ipaliwanag ang itinatanong nito tungkol sa umano’y Saranggani Sports Center, ngunit sa halip na makipag-usap sa butihing pastor, siniraan pa ito at sinampahan ng kaso.

Naniniwala naman si Fuentes na pamumulitika lang ang naturang hakbang ni Pacquiao.

More in National News

Latest News

To Top