Connect with us

Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng brand new motorcycles sa mga frontliner

Ilang araw bago ang kanyang kaarawan pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ ang pamamahagi ng mga motorcycle units

National News

Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng brand new motorcycles sa mga frontliner

Ilang araw bago ang kanyang kaarawan, pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang pamamahagi ng mga motorcycle units bilang regalo sa mga frontliner.

Dahil batid niya ang paghihirap ng mga frontliners lalo na ngayong panahon ng pandemya, hindi nagdalawang isip ang bitihing pastor na ibahagi ang mga pagpapalang kanyang natanggap.

May be an image of 1 person, sunglasses and outdoors

Personal nitong ibinahagi ang nasa mahigit limampung units ng bagong motorsiklo na inaasahang magiging malaking tulong sa kanilang pang arawaraw na pag-biyahe patungo sa kanilang mga trabaho.

May be an image of one or more people, people standing, motorcycle and outdoors

Labis naman ang pasasalamat sa ipinakitang pagmamalasakit ng butihing pastor para sa kanila.

At, upang maging mas kapanapanabik ang pamamahagi ng mga motorsiklo pinabunot sila ng numero na nakadikit sa mga motorsiklo na mapapasakanila.

Hindi rin matukoy ang kaligayahang kanilang nadama ng si Pastor Apollo pa mismo ang nanguna para matest drive nila ang kanilang mga motorsiklo at paalala rin nito na maging responsable sa pag-gamit at tiyaking ligtas sa lahat ng oras.

May be an image of one or more people, motorcycle, outdoors and text that says 'Sonshine| Image A'

Samantala, inihayag ni Pastor Apollo na unang batch pa lamang ito ng mga motorcycle units na kanyang ipapamahagi sa mga karapat-dapat at masisipag na frontliners at essential workers.

May be an image of motorcycle and outdoors

Ipinunto rin nito sa panahon ngayong may pandemya ay mahalagang magbahagi ng mga pagpapala sa lahat ng oras.

Ang gift giving programs na pinangungunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy naging tradisyon o nakasanayan tuwing dumarating ang kaarawan nito.

May be an image of one or more people, people riding motorcycles, motorcycle and road

May be an image of one or more people, people standing, motorcycle and outdoors

More in National News

Latest News

To Top