Connect with us

Pastor Apollo C. Quiboloy, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Maring sa Benguet

Nasa 5,000 indibidwal sa La Trinidad Benguet ang nakatanggap ng ayuda mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ

National News

Pastor Apollo C. Quiboloy, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Maring sa Benguet

Nasa 5,000 indibidwal sa La Trinidad Benguet ang nakatanggap ng ayuda mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa pangunguna ng SMNI Foundation Incorporated.

Isa ang lalawigan sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Maring sa malaking bahagi ng Northern Luzon ang pinakanaapektuhan nang manalasa ang bagyong Maring sa bansa

Sa datos ng NDRRMC, nangunguna sa listahan ng ahensiya ang Ilocos Sur na may pinakamaraming namatay dahil sa landslide at flashfloods sumunod ang probinsiya ng Benguet.

Nakita ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kalagayan na ito ng mga biktima ng nasabing kalamidad at agad nagpadala ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo.

Walang mapagsidlan ng tuwa at galak ang ipinakita ng mga residente ng Puguis, La Trinidad, Benguet habang isa isa ang mga ito ay tumanggap ng mga balde baldeng regalo mula kay Pastor Apollo.

Samantala, dahil sa bagyong Maring, maging ang kabuhayan mg mga residente sa lalawigan ng Benguet ay naapektuhan din.

Namahagi din si Pastor Apollo ng regalo para sa mga apektadong magsasaka kasabay ng positibong pananawa na makakaahon din sila sa buhay.

More in National News

Latest News

To Top