Connect with us

La Trinidad LGU, nagpaabot ng pasasalamat sa tulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Labis ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet sa tulong na ipinaabot ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Regional

La Trinidad LGU, nagpaabot ng pasasalamat sa tulong ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Labis ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet sa tulong na ipinaabot ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kasunod ito ng malawakang pinsala matapos tumama ang Bagyong Maring.

Hindi ito inaasahan ng mga residente gayong hindi naman sentro ng bagyo ang kanilang lugar.

 

Ayon kay La Trinidad, Mayor Romeo Salda, “Hindi naming alam na malakas pala ang ulan so malaki ang impact malaki ang effect ng Maring sa munisipyo ng La Trinidad kasi alam naming na walang signal, ang signal number 2 naging signal number 3 ang lakas kasi dirediretso ang ulan.”

Sinabi rin ni Brgy. Capt. Tyrone Diaz sa Brgy. Puguis, “Honestly para sa akin looking at the forecast nasa taas eh, tinitingnan ko nasa taas, ngayon ang  ine-expect natin hindi gaano pero pagdating ng typhoon dun natin nalaman na heavy rainfall pala, eh most of us maybe were caught unaware.”

Hindi man bago sa mga residente ng La Trinidad ang baha dulot ng isang bagyo, hindi anila ito madaling harapin dahil kinakailangan nanaman nilang bumangon mula sa pinsalang tinamo ng kanilang tahanan, ari-arian at kabuhayan.

No description available.

Ani pa ni Diaz, “It really hurts when you consolidate the reports, yung malalaman mo na lang na may bahay pala na nasira, yung farms na instead ma-harvest natabunan ng flood usually yun ang mga nangyayaring problema natin. Livelihood are very much challenged during typhoons.”

Saad naman ng alkalde, “May initial assessment po kami sa crop damages sa vegetable P4.2-M; strawberry P713,000; sa cut flower P1.2-M; and sa facilities naming na agriculture is P5-M.”

Tinatayang aabot sa mahigit P12-M ang halaga ng pinsalang naiwan ng bagyong Maring sa bayan ng La Trinidad.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture (DAR) na tinatayang nasa P1.74 billion ang halaga ng agricultural damage ang iniwan ng pananalasa ng bagyo.

Maliban sa La Trinidad, matinding pinsala din ang naranasan ng mga magsasaka at mangingisda  sa iba pang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Soksargen.

Samantala, malayo man ang Davao City kung nasaan si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ at chairman ng Sonshine Media Network International ay agad nitong ipinakilos ang SMNI Foundation Inc. katuwang ang iba pang organisasyong naniniwala sa mga ginagawang pagtulong ng butihing pastor gaya ng Sonshine Philippines Movement at Children’s Joy Foundation Inc.

Agad na tumungo ang mga volunteers sa Benguet bitbit ang ayudang kailangan ng mga apektadong residente.

No description available.

No description available.

Taos puso namang pasasalamat ang ipinaabot ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet sa ayudang ipinaabot ni Pastor Apollo.

No description available.

“ We would like to thank Pastor Quiboloy and the SMNI network for the blessings that they are sharing it to the municipality of La Trinidad this is for our affected farmers, the affected stakeholders in the municipality. Ito po ay malaking tulong po sa kanila initialy for the food..yung iba food ang kailangan nila,” saad ng alkalde ng La Trinidad.

More in Regional

Latest News

To Top