Connect with us

Pastor Apollo C. Quiboloy, itataya ang buhay sa paglaban sa CPP-NPA sa bansa

Pastor Apollo C. Quiboloy, itataya ang buhay sa paglaban sa CPP-NPA sa bansa

National News

Pastor Apollo C. Quiboloy, itataya ang buhay sa paglaban sa CPP-NPA sa bansa

“Kung inaakala ninyo na ako’y hihinto at ang SMNI at ako’y hihinto sa pagbubulgar sa inyong mga kabulukan at sa inyong mga kalokohan at sa inyong mga pananalasa for 53 years, kayo po ay nagkakamali.”

Ito ang matibay na paninindigan ni Pastor Apollo C. Quiboloy laban sa mga miyembro at mga taong nasa likod ng pananalasa ng komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF sa bansa.

Kasunod ito ng kinakaharap na isyu ni Pastor Apollo na pinaghihinalaang NPA ang ilan sa mga nasa likod ng paninira sa kanya.

Bagay na lalo pang nanindigan ang buthing pastor na ipagpatuloy at palakasin pa ang programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.

Ani Pastor Apollo, kahit ang kanyang buhay ay itataya nito para sa bayan upang tuldukan ang problema ng insurhensiya sa bansa

Giit pa ni Pastor Apollo, wala siyang aatrasan na rebelde matiyak lamang na wala ni isa sa mga ito ay makakapasok sa pamahalaan.

Naniniwala ang butihing pastor sa paninindigan ng taumbayan na hindi na sila maloloko pa ng mga komunistang teroristang grupo na CPP-NPA sa kabila ng mga ginagawa nitong banta sa buhay, kaligtasan at seguridad ng mga tumutuligsa sa kanila.

Samantala, para sa mga patuloy na naninira sa Bansang Kaharian na pinamumunuan ng butihing pastor, wala aniyang kapagsubukan na hindi nito malalagpasan dahil sa pagkakaisa, suporta ng mamamayan at dalangin ng bawat mga kasapi nito.

Higit sa lahat ang mga pagkakawanggawa na hindi masusuklian ng ngiti at pasasalamat ng mga nahahatiran ng tulong ng butihing pastor.

More in National News

Latest News

To Top