Connect with us

Pastor ACQ sa survey na inilabas ni Trillanes : Parang hindi ‘credible’

Inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy  na isang malaking palaisipan kung saan kinuha ni dating Senador Antonio Trillanes IV

National News

Pastor ACQ sa survey na inilabas ni Trillanes : Parang hindi ‘credible’

Inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy  na isang malaking palaisipan kung saan kinuha ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang inilabas nitong survey na bumaba umano ang approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pastor Apollo, executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, ang alam ng mga Pilipino na credible survey firm ay ang Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia.

Giit ng butihing Pastor,  hindi kilala ang survey na kanilang pinagbabasehan at tila kani-kanila lang ang naturang survey.

Aniya, “Ewan ko lang saang survey kumuha si ex Senator Trillanes kasi ang alam ng taong bayan na credible survey SWS at Pulse Asia at kung meron pa man ung mga kilala…pero di yata kilala ang sinasabing nyang survey eh..ewan ko kung saan iya kinuha ung impormasyon na yun, parang kani-kanila lang siguro yun. Pero ung talagang kilalang survey jan ung Pulse Asia at SWS – natatawa nga ako eh…di ko nabasa ung items.”

Binigyang diin ni Pastor Apollo na nananatiling mataas ang approval ratings ni Pangulong Duterte kung pagbabatayan ang mga lumabas na resulta ng kilalang survey firm sa bansa.

Ipinunto ng executive pastor na walang ganoong pangulo sa mga nakalipas na administrasyon na nakakukuha pa rin ng mataas na trust and satisfaction rating kahit sa bandang huling termino na nito, kundi si Pangulong Duterte lamang.

Kaya, masasabing tila hindi ‘credible’ iyong inilabas na survey ni Trillanes.

“Yung ratings ni pangulo mula 91 syempre may variations yan eh. Kung bumaba man at least napakataas pa rin 88 – 89, 2 points lang.”

“Walang ganun eh kapag ang ibang adminsitration last term na ng pangulo, mababa na masayado, pumapalo  na sa 40-50. Pero ang Pangulong Duterte nasa 88 – 89  from 90 – 91- 92. Parang ‘di credible yung survey na pinapalabas ni former senator Trillanes.”

Kung matatandaan, inihayag ni Trillanes na bumababa ang approval rating ni Pangulong Duterte sa Luzon, batay sa isang survey na isinagawa ng Magdalo group.

“Big news! The Magdalo survey results for July are in. For the 5th straight time, Duterte’s approval ratings are down,” pahayag ni Trillanes.

Saad ng dating senador sa isang Facebook post, naniniwala itong marami nang namumulat na Pilipino at lumalaki na umano ang tiyansa ng oposisyon na manalo sa 2022.

Kasunod nito, pinayuhan naman ng Malakanyang si Trillanes na pag-aralang mabuti ang mga survey nang makita nito na patuloy  na nagtitiwala ang mga Pilipino kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “So, pag-aralan po nang mabuti ni Senator Trillanes ang mga survey results ng makita niya na patuloy pong nagtitiwala at patuloy pong satisfied ang taumbayan sa ating Presidente.”

Pahayag pa ni Roque, hindi niya maintindihan kung saang survey tumitingin si Trillanes dahil sa mga sunud-sunod na lumabas na survey, makikitang nananatiling mataas ang satisfaction rating ng punong ehekutibo batay sa Pulse Asia.

More in National News

Latest News

To Top