Connect with us

Pastor ACQ sa pahayag ni Bayan Muna Gaite sa SONA: Anu ang iyong nagawa sa bansa?

Kinuwestiyon ni Rev. Dr. Apollo C. Quiboloy ang kakayahan at mga nagawa sa bansa ni Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite.

National News

Pastor ACQ sa pahayag ni Bayan Muna Gaite sa SONA: Anu ang iyong nagawa sa bansa?

Kinuwestiyon ni Rev. Dr. Apollo C. Quiboloy ang kakayahan at mga nagawa sa bansa ni Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite.

Ito ay matapos nitong laitin at sabihing malaking “disappointment” ang huling SONA ni Pangulong Duterte.

Nakakapagod din aniyang pakinggan ang mga ulat ni Pangulong Duterte at walang bago.

Hamon ngayon ni Pastor Apollo, ilahad ni Gaite ang mga nagawa nito sa bansa para sabihin nitong walang bago sa mga sinabi ni Pangulong Duterte sa loob ng halos 6 na taong panunungkulan bilang pangulo.

Tinanong pa nito na kung ano ang mga naiambag ng kanyang Party-list sa kapakanan ng bayan kumpara sa mga nagawa ni Pangulong Duterte.

Kinwestiyon din ni Pastor Apollo ang ipinagmamalaking revolutionary taxes na kinukolekta ng sinusuportahan nitong rebeldeng grupo na aniya’y ginagamit para sa mga mahihirap pero wala namang magandang proyekto na nagawa o naipatayo man lang.

Ayon pa kay Pastor Apollo, hayagang extortion o pangigikil ito mula sa mga buwis na pinaghirapan ng mga tao.

Mariin ding tinututulan ni Pastor Apollo ang paggamit ng pondo ng pamahalaan para manlinlang ng mga inosenteng sibilyan o mamamayan at ibagsak ang gobyerno.

Sa  huli, hinimok ni  Pastor Apollo ang lahat ng mga nasa ilalim ng impluwensiya ng makakaliwang grupo at mga kilalang organisasyon o partylist na may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF na  magbalik-loob nalamang sa pamahalaan upang  tamasain ang magandang kinabukasan na alok ng gobyerno habang hindi pa huli ang lahat.

More in National News

Latest News

To Top