Connect with us

Pastor ACQ, namahagi ng tulong sa pamilya ng mga sundalong nasawi sa C-130 crash

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pamamahagi nito ng tulong sa mga pamilya ng sundalong biktima sa bumagsak na C-130

National News

Pastor ACQ, namahagi ng tulong sa pamilya ng mga sundalong nasawi sa C-130 crash

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa pinansyal na tulong na ipinagkaloob para sa mga pamilya ng mga sundalo at sibilyan na namatay sa bumagsak na Philippine Air Force (PAF) C-130 transport plane sa Patikul, Sulu.

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng patuloy na pagdadalamhati nito sa pagkasawi ng mga myembro ng tropa ng gobyerno at iba pa.

Sa kanyang Talk to the People Address nitong Lunes ng gabi,ika-12 ng Hulyo, pinasalamatan ng punong ehekutibo ang kanyang malapit na kaibigan na si Pastor Apollo sa ibinigay  na ₱20,000 financial assistance bawat pamilya.

“Then, we have Pastor C. Quiboloy will extend P20,000 cash assistance to the family of the soldiers and civilians who perished in the incident.”

Sa kabuuan, Mahigit ₱1 milyong ang halaga ng donasyon ang ibinigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa 53 pamilya ng mga nasawing sundalo at sibilyan sa naturang plane crash.

Una nang nagpaabot ng pakikiramay at nag-alay ng dalangin ang butihing pastor para sa mga nasawi sa naturang aksidente sa Sulu.

Muli ring nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Duterte sa mga pamilya ng mga sundalo at sibiliyan na namatay sa plane crash.

Ani pangulo,”Before proceeding, allow me to again extend our deepest condolences to the family of our soldiers and civilians who perished in the recent C-130 crash in Sulu. We shall always remember our soldiers’ deep devotion to duty and willingness to risk their lives for our country and our people.”

Samantala, kasabay ng patuloy na pagdadalamhati sa mga nasawing sundalo, kinilala at pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang mga taong tumulong sa pagrescue sa C-130 plane crash victims sa Sulu.

“We are also grateful to the local community and individuals who rushed to the crash site and tried to save as many lives as they could. Now, these people in the vicinity or in the area were mostly Tausugs at sabi ko salamat naman sa inyong tulong. Shukran.”

Batay naman sa pahayag ng Tactical Operations Wing Western Mindanao Commander na si Colonel Dennis Estrella, nagbigay din sila ng suporta sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa naturang insidente kung saan magkakaloob din ito ng tulong pinansyal sa mga naapektuhan para muling makapagsimula.

Personal ding binisita at kinamusta ng Philippine Air Force ang ilan namang sundalo at sibilyan na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nabatid na may lulang 96 na mga sundalo  ang C-130 plane na kinabibilangan ng 3 piloto, 5 air crew at 88 pasahero.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bagong graduate sa basic military course ang mga biktima na buhat sa Cagayan de Oro at idedeploy na sana sa 11th Infantry Batallion ng Joint Task Force Sulu.

Kaugnay nito, inutos na rin ng pamunuan ng Department of National Defense ang masusing imbestigasyon upang madetermina ang dahilan ng aksidente.

 

 

More in National News

Latest News

To Top