Connect with us

Pastor ACQ, gustong mabigyan ng ₱200-B na pondo ang NTF-Elcac sa 2022

Matatandaan na unang lumutang mula kay Sen. Franklin Drilon ang impormasyon na  ₱40-B ang magiging pondo ng NTF-ELCAC sa susunod na taon sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program.

National News

Pastor ACQ, gustong mabigyan ng ₱200-B na pondo ang NTF-Elcac sa 2022

Matatandaan na unang lumutang mula kay Sen. Franklin Drilon ang impormasyon na  ₱40-B ang magiging pondo ng NTF-ELCAC sa susunod na taon sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program.

Una na itong pinalagan ng Senate Minority Leader dahil hindi aniya makatarungan na unahin ang paglaan ng pondo sa insurgency kesa sa ayuda.

Pero para naman kay Rev. Dr. Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name, ang pagbibigay ng mas malaking pondo sa taskforce ang sekreto para tuluyang matuldukan ang problema ng bansa sa insurhensya.

Ayon sa butihing pastor, maliit pa ang ₱40B para sa magandang programa ng ELCAC sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP) para umalwan ang buhay ng mga Pilipino sa kanayunan.

Punto ni Pastor na ang kahirapan ang nagagamit ng CPP NPA NDF para makapanalasa.

“Hindi lamang dapat ₱40-B ‘yon eh dapat gawin yang ₱200-B para maging masagana kanayunan natin doon ang problema nagpapasimula nandoon ang mga rebeldeng yan eh kung yan lalaganap doon ang kabutihan ilalagay doon ang lahat ng proyekto na pamamahalaan ng NTF-ELCAC naku wala ng problema tayo , uusbong na ang ting ekonomiya,” saad ng butihing pastor.

Ayon kay Pastor Apollo, ang NTF-ELCAC ay tapat at lubos na mapagkakatiwaalan para sa hangarin ng pamahalaan na matapos na ang pangugulo ng kalaban.

Una na ring sinabi ni Pastor Apollo noon na sa pamamagitan ng BDP ay muling manunumbalik ang tiwala ng mahihirap na pilipino sa pamahalaan.

“Ito ang pinakasekreto para ang mga mamayan ay makatikim na ng kabutihan ng gobyerno, papunta doon sa mga brgy at meron tayong kinatawan sa NTF-ELCAC na hindi mga kurap, yan ang magsosolve sa maraming mga problema.”

Babala naman ni Pastor sa mga senador at kongresista na huwag tatanggalan ng budget ang ELCAC dahil tiyak na magagalit ang taumbayan.

“Kung kaya kayong mga senador tinitingnan niyo ang kabutihan ng ating bansa at peace and order ito iyong sekreto para ang mga kanayunan mga kabaranggayan natin ay magkakaroon na ng peace mawawala na ang mga salot CPP NPA NDF hindi nila magagamit yong poverty ng Pilipino para sakanilang pananalasa tapos ikakapital nila doon sa mga bansa na pobre tayo dito pinabayaan doon,” ang pahayag ni Rev. Dr. Apollo Quiboloy.

More in National News

Latest News

To Top