Connect with us

Passenger capacity sa mga tren, itinaas na sa 30%

Inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang railways sector na dagdagan ang maximum passenger capacity ng mga tren para mas marami pa ang ma-accommodate na mga pasahero.

National News

Passenger capacity sa mga tren, itinaas na sa 30%

Inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang railways sector na dagdagan ang maximum passenger capacity ng mga tren para mas marami pa ang ma-accommodate na mga pasahero.

Ito ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte at buong Gabinete na aprubahan ang mga rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) para sa economic recovery.

Simula ngayong araw, tataas na sa 30 % ang maximum passenger capacity ng Metro Rail Transit Line – 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), at Philippine National Railways (PNR).

Mula sa dating kapasidad na 13% kung saan 51 na pasahero kada train car ang ma-accommodate at 153 na pasahero kada train set, tataas na simula ngayong araw ang passenger capacity ng mga tren ng MRT-3 sa 30% kung saan 124 na pasahero kada train car, 372 na pasahero kada train set.

Kaugnay nito, nagkaroon ng adjustment sa nakalagay na social distancing marks sa loob ng tren.

Patuloy rin ang ginagawang pagbabantay ng mga train marshalls sa loob ng mga bagon ng tren upang matiyak na naipatutupad ang mga health and safety protocols para sa mga pasahero.

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan, base sa bilin ni Secretary Tugade, dadahan-dahanin ang pagdagdag sa kapasidad ng mga tren at siguruhing mahigpit na ipatutupad ang 7 commandments upang maprotektahan ang kalusugan ng mga commuter.

Upang masiguradong ligtas ang mga pasahero, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa loob ng mga tren, naa ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;

2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;

3) Bawal kumain;

4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;

5) Laging magsagawa ng disinfection;

6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at

7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Sa PNR, nasa 179 commuter ang kayang ma-accommodate sa kada train set para sa DMU ROTEM model; 167 sa kada train set para sa the DMU 8000; 228 sa kada train set para sa DMU 8100; at 302 pasahero naman sa kada train set para sa EMU model.

 

More in National News

Latest News

To Top