Connect with us

Pasig City Mayor Vico Sotto, maghahain ng COC para sa kanyang 2nd term

Nakatakdang maghain si Mayor Vico Sotto ng Certificate of Candidacy (COC) bilang alkalde ng Pasig City para sa ikalawang termino nito ngayong araw.

National News

Sasamahan si Mayor Vico Sotto ng kanyang running mate na si dating Pasig Congressman Robert ‘Dodot’ Jaworski, Jr. na tatakbo bilang vice-mayor ng lungsod.

Tatakbo si Sotto sa ilalim pa rin ng Aksyon Demokratiko Party ni congressman Roman Romulo.

Matatandaang, tinalo ni Sotto ang dating alkalde na si Robert Eusebio sa 2019 midterm elections, na matagal nang nakaupo bilang mayor simula pa noong 1992.

Si Jaworski naman na dating basketball player, ay nakapagsilbi bilang Pasig representative mula 2004 hanggang 2007.

Tumakbo rin bilang alkalde si Jaworski noong 2007 pero natalo ito ni Robert Eusebio.

Inaasahan naman na susunod na mga araw ay maghahain ng certificate of candidacy ang councilor slate ni Sotto para sa District 1 at District 2 ng Pasig City.

More in National News

Latest News

To Top