Connect with us

Parusa sa mga responsable sa maling modules ng DepEd, inilalatag na sa Kamara

Naghahanda na ang Kamara ng isang panukalang batas para maparusahan ang mga nagkulang sa isyu ng mga mali-maling learning materials ng DepEd

National News

Parusa sa mga responsable sa maling modules ng DepEd, inilalatag na sa Kamara

Naghahanda na ang House Committee on Public Accounts ng isang panukalang batas para maparusahan ang mga nagkulang sa isyu ng mga mali-maling learning materials sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Committee Chairman Bonito Singson, pananagutin nila ang mga responsable sa isyu.

“We will certainly make recommendations to make accountable all those who are responsible for any violation of an existing law,” ani Singson.

Kamakailan lamang nang nakitaan ng bastos na salita ang learning modules na ginagamit ng mga mag-aaral sa Pampanga kung saan ginamitan ng bastos na salita ang pagsasalarawan sa Filipino folklore na Aswang.

May nakita rin ang DepEd na 155 pagkakamali sa learning materials.

Umaabot  narin sa 163 ang natanggap nilang ulat na pagkakamali sa learning materials mula October 2020 hanggang June 2021.

Pero sa isinagawa nilang pagsusuri, bumaba ang bilang sa 155.

Sa nasabing bilang, sinabi ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio na 100 sa mga pagkakamali ay nasa locally-developed materials.

Ipinadala ang mga ito sa division office level para sa kinakailangang pagtutuwid.

Pero ayon kay Singson, walang ibinigay na katiyakan ang DepEd para matiyak na hindi na mauulit pa ang insidente dahil hanggang ngayon ay may nasisilip pa rin na mga mali sa learning modules.

“Basically, the DepEd has not assured us that its quality assurance teams  are effective.  These have been in place before yet errors were still committed, ” ani Singson.

More in National News

Latest News

To Top